Day 4 – May 25, 2017

To my gorgeous wife,

Goooood Morning!  Maaga ako’ng nagising today! and you know what, excited ako kasi ako ay naniniwala na may mga mangyayari ngayong araw na alam ‘kong hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko.  Ang araw na ito ay naka focus lang sa isang Ministy, ang pag punta at pag bisita sa mga Refugees galing sa iba’t-ibang bansa ngunit karamihan ay nanggaling sa bansang Pakistan.

kakatapos  ko lang mag breakfast, ikaw kaya? kumain ka ba ng maayos? o parang katulad mo lang rin ako na hindi talaga usually kumakain sa umaga. pasaway tayo! Apir! oops! pero kailangan ko rin baguhin yun sa akin syempre ihahanda ko na sarili ko sa pag kikita natin, dapat healthy ako lalo na kapag binabasa mo na to.

After ilang minutes of travel papunta sa Cavalry Baptist Church, na meet namin ang mga american missionaries dito sa Thailand, katulad nga ng sinabi ko kanina, may ministry sila sa mga Pakistan refugees.  may binigay sa akin na maliit na papel na may nakasulat na number at pangalan, #11102 M D’ Souza. Itong excitement ko, nagiging  takot kahit papano, kasi nasa mga kamay ko na yung pangalan ng taong bibisitahin ko. Kwento ko lang din muna sayo kung ano ang nangyayari at kung bakit kailangan namin silang bisitahin.

May persecution na nangyayari ngayon, halos sa lahat naman ng bansa, nagkataon, karamihan ng tao sa detention center ay galing sa Pakistan. They are persecuted simply dahil “Christians” sila. Since asawa naman na kita ngayon at binabasa mo to, for sure malawak ang view mo about this, ikaw pa! 😉 *wife ko yan!*. Balik doon sa kwento, so ang isa sa pinaka mabilis nilang puntahan ay Thailand, pero pag nasa loob na sila ng bansa, hindi na rin sila pwedeng mag renew ng visa nila, so usually ang nangyayari, dinadakip sila ng authoridad at dinadala sila sa detention center kung saan, magkahiwalay ang lalaki at babae (kahit mag asawa at may anak) hindi sila makakalabas ng kwarto nila hanggat walang bibisita sa kanila ITENTIONALLY.

 Doon naman papasok ang ministry. Honey, I never thought na ang simpleng pag bisita sa isang tao ay magbibigay ng malaking impact sa buhay ko.  Pumasok kami sa detention center at binigay ko ang information ng taong bibisitahin ko, as I enter, nakita ko kaagad yung “FENCE” na nag seseparate between him and I, siguro mga 2Meters ang distance namin dalawa, hindi pa kami nag uusap pero I can see na he was happy kasi sa buong linggo na nagdaan, doon lang nya nakita ang asawa at anak nya. Hindi lang ako yung bumisita so imagine mo yung sigawan dahil 2meters away kami sa isat isa. That was my first time to share words of encouragement at to praye na sumisigaw talaga. Hindi ko rin napigilan umiyak kasi nakita ko ang situation nila sa loob.

Marami rin akong natutunan sa visit na ginawa namin.  Alam mo, totoo na nabubuhay tayo sa sinful na world at maraming bagay sa mundo na ito yung mahirap rin iexplain at it really takes faith to believe na may hope  pa talaga, lalo na sa situation nila doon.  I believe na sa mga panahon na to, marami ka na rin valuable lessons at principles sa life mo, I’d love to hear all of them. Gusto ko nga, gumawa tayo ng libro about principles lang ng life natin growing up, ano sa tingin mo? 😀 (feeling magaling ‘no haha)

Anyway, dito ko na muna tatapusin yung letter ko for you.  pasensya kana ha, mejo nakakapagod din tong araw na ‘to kaya wala na rin akong lakas mag kwento, at may mga gagawin din kami bukas ng umaga, kaya magpapahinga na rin ako. I hope you’re struggling well too!

the world is just a fence away from us, well siguro. kung ganun, sisigaw ako talaga ng malakas na malakas, para makita at makilala na kita.

 

Good Night,

Husband Mo (ayiee!!!)

 

Advertisements

Day 3- May 24, 2013

Dear Wife,

Gusto ko muna mag start magtanong kung kamusta kana kaya sa mga oras na ‘to bago ako mag sulat nang mga bagay patungkol sa akin.  tulog ka pa marahil siguro ngayon,baka na alimpungatan ka, o ang sama ng tama ng pagkain mo kanina kaya napadirecho ka ngayon sa CR nyo. Maraming pwede kasi hindi ko naman talaga alam, pero sana ligtas ka ngayon dahil yoon lang naman ang importante para sa’yo at syempre para na rin sa akin 🙂

Nasa kalahati na kami ng byahe namin ngayon, another 5hrs to go at makakarating na rin ang bus na sinasakyan namin pa puntang Bangkok. Nagsusulat ako ngayon kasi panay’ gising sa akin ng katabi kong Thai. Hindi ko maintindihan dahil lagi siyang umaalis ng pwesto at kasama niya ang isang crew ng bus na babae, at babalik sila after ilang minutes, (hindi tuloy maalis sa utak ko na may ginagawa sila). Omayger! hahah

Minsan mas nakakapagod pala yung wala kang ginagawa sa isang bus ‘no? nakakaramdam na ako ng pangangalay at nakakaramdam narin ako ng matinding puyat o antok sa mga oras na ito. Kaya itutuloy ko nalang itong sulat mamaya sa pag dating namin ng Bankok

.

.

9:30AM

Yeyyy!! Nasa bahay kami ngayon ng hosts namin na mag-asawang si John at Bethel kasama ang kanilang mga cute na anak na sina, Esther, Nathalie, at Josiah.  Magaling silang mag accomodate ng mga taong pinapapasok nila sa bahay nila. Si John nag bigay ng brief na  introduction sa family nya, sa ministry, at sa buhay dito sa Bangkok.

Maya-mayang konti, mga 11:00am, aalis kami para pumunta sa “Thai Village” kung saan may mga cultural presentations ng mga Thai at most probably doon na rin kami mag Lunch together.

ui, mag rest lang ako kahit 1hr para makapag prepare para sa activity namin later.  I hope youre having a great morning with your family or friends!

.

.

9:20 pm

Sobrang haba ng araw ngayon,  as usual pagod pero sulit lagi sa Missions! Ano naman kaya mga ginawa mo ngayong araw? naging busy ka rin kaya o, buong araw ka lang nag siesta  haha. Ano kayang klase ang family mo ‘no? nako baka strict sila tapos parang Kdrama pala ang story natin (OMAYGER) o kaya naman welcoming talaga sila, that would be great great great!!!

Ayan, nawala na ang pagod ko! nakakatulong rin pala tong mga sulat na ‘to sakin, nakakakilig ka kasi kausapin.

Anyway, nanuod ang main activity lang naman na nangyari sakin today is nanuod kami ng cultural show sa “Thai Village”, pero before kami manuod, nag lunch muna kami. para safe ang pagkain, nag oorder ako lagi ng fried pork! gusto ko rin kasi hahaha. pagkatapos kumain, nag plano silang sumakay ng ELEPHANT. Wife, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na mag kaka argue tayo kapag ikaw sumakay sa isang elephant or camel. HAHAHA! lahat ng teammates ko, sumakay sila except me. pano kaya nila nagawang sumakay e halata namang hindi masaya ang elephant sa  ginagawa niya.

(beastmode na hahaha)

May mga ginawa pa kami, then nanuod na kami ng cultural show. Maganda ang presentation nila ng culture nila, sana mayroon din kami sa Pilipinas para mapakita ko sayo. kung mayroon mang cultural show sa hometown mo, sana ma preserve din nila no, para isang factor din yun para makilala kita deeper. Hindi naman siguro maaalis ang culture nyo sa heart mo right? 🙂

Nag devotion kami after ng dinner namin tapos  sabi ng host wala na kaming access ng internet after ng 20minutes, so baka dito ko nalang din iend ang sulat na ‘to.

pauwi na ako ng Philippines sa Friday, I feel sad pero masaya rin kasi makakauwi rin ako at makikita ko na ang parents ko. I hope na close ka rin sa parents mo, para ma win ko rin sila kasama ang heart mo.

Good night, Wife. sana habang binabasa mo to, hindi tayo galing sa isang arguement hihih.

your loving husband,

John Christian

Day 2 – May 23, 2017

To the one I want to share my life with, I love you!

Dear Wife,

Goooooood Morning Dear!! 5:03 am na dito sa Vientiane, Laos at kagabi pa lang nag set na ako ng alarm para makapag lakad man lang ako sa labas at maka langhap ng hangin sa umaga. Hinangad ko na makapunta at makita ko ang Mekong River na kung saan makikita rin sa kabila ang Thailand at sa tingin ko you’d love the view too! Ako, basta ikaw yung view ko,  okay na! (korni!!)

…PEROO! HAHA!  nag alarm na’t lahat ang phone ko, ayaw parin bumangon ng katawan ko! kalahati ng katawan ko gusto parin matulog, naisip ko lang, may mga ganitong pangyayari din kaya sa buhay mo? o baka naman mas matindi ka pa mag puyat sa akin sa mga panahon na ito ha!?? nako, wag naman sana kasi kawawa naman ang katawan mo nyan..

(nakatulog ako ng tuluyan at nagising ako around 7:45 AM para samahan ang teammates ko mag almusal)

.

Mamayang hapon na rin ang alis namin papuntang Thailand. Nakapunta kana kaya doon? Excited ang heart ko kasi bago ang bansang Thailand sa akin. Ano kaya ang unang bansa ang mapupuntahan natin together ‘no? pero okay lang, anywhere with you will always be my happiness.

Nasa isang coffee shop ako ngayon malapit sa hotel,  Naked Espresso ang pangalan ng ng coffee shop at maganda dito. Masarap kausap ang mga tao, naka kilala rin ako ng new friends dito at may personal time ako ngayon habang naghihintay ng susundo sa amin papuntang bus station, ngunit pabalik na rin ako in awhile sa hotel para doon nalang maghintay kasi kailangan ko pa ayusin yung ibang mga gamit ko sa labas ng kwarto.

ikaw? kamusta na naman ang araw mo so far? I hope filled ng joy ang heart mo kahit stressed ka sa mga ginagawa mo ngayon.  Naka balik na ako sa hotel namin kasi sabi nila 5:00 pm daw darating ang mag susundo sa amin, pero almost 5:40 na wala parin kaya nandito lang ako sa taas kung saan pwede akong mag charge ng mga gamit ko, lalo na tong laptop kasi malaking bagay ito mamaya para sa akin kasi may 10 hour travel kami from Vientiane to Bangkok, kaya maganda na full charge ito  hehe.

Ramdam ko yung pawis sa gilid ng mga patilya ko, sa likod, at sa mga binti ko, pero kailangan ko tong tiisin kasi ayoko na mag palit pa ng panibagong damit at ayaw ko rin na mag halungkat ng damit sa sa bag :D..

.

(biglang dumating yung service namin papuntang bus station)

.

Hi Dear, kasalukuyang nasa 10hr-travel ako ngayon from Laos to Bankgok. Grabe ‘no? 10hr travel by land, kung iisipin natin parang ang layo layo nun, pero alam mo,  gusto kita makasama sa mga ganitong travel, ang dami-dami siguro nating pinaguusapan, siguro may mga argues tayo na sa ganitong travel lang natin ma-reconcile, siguro may mga bagay pa tayong ma discover sa isa’t-isa, pero kahit ano mang mangyari, I believe na mas ma deepen ang relationship natin sa mga 10hr+ na travels, I’d even enjoy watching you sleep.

Naka upo ako sa dulong upuan ng bus, at ramdam ko na kasabay ng malakas na ulan sa labas, may mga tulo ng ambon sa aircon kung saan ako nakatapat, pero kaya ko naman gawan ng paraan. may kalatog o ingay akong naririnig sa likod ko, kaya ginawan ko rin ng paraan para hindi ako ma annoy sa ingay, at nasulusyonan naman. Buti nalang no, may time ako gawin ‘tong sulat na ito sa loob ng bus na ito.

Malamig, pero nababawi naman nang makapal na kumot, so sa tingin ko ma susurvive ko ang 10hr travel na ito sa pag tulog ng matagal.

 Hindi ko alam kung paano ko tapusin ang sulat na ito ngayong gabi, pero since nasa kalsada parin kami ngayon at 11:53pm na, dito ko nalang tapusin ang sulat.

pero bago ako mag paalam, gusto ko lang malaman mo sa mga oras na to, pinag ppray ko ang safety mo, pati ang mga plans mo for tomorrow, kung nasaan ka man ngayon,  naniniwala ako sa GOD-given potential na nasa character mo ngayon.  ayan, sakto! pinatay na ang ilaw at laptop ko nalang ang maliwanag dito.

sana okay lang ang heart mo sa buong araw na nagdaan!

nagmamahal,

John Christian Dela Cruz

 

Day 1 – May 22, 2017

Hello! gusto ko gumawa ng letter/s sana para sa’yo araw-araw kahit maikli lang. Minsan sa mga oras na mag-isa ako, naiisip ko, “Ano kaya ang ginagawa ng future wife ko ngayon”. Ginagawa ko itong mga sulat na ito para naman kapag nagka kilala na tayo, at mabasa mo to, magkakaron ka ng update sa buhay ko, na parang magka kilala na tayo sa mga araw na ito. O diba astig?! :D. Para sa’yo ‘to, para ngayon palang, ikaw na ang sinasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko. Ngayon palang binibigay ko na sayo ang honor na ito.

I am now 23 years old, mejo hindi na balance ang katawan ko ngayon, pero hayaan mo pag nababasa mo na to, mejo balance na (HAHAH!!)

Kasalukuyan, nandito ako ngayon nakaupo sa isang bar sa Vientiane, Laos. Hindi ako umiinom ha? pero nandito ako ngayon kasi dito lang ako kumportable at aantukin ako sa kwarto. nasa MISSIONS kami ngayon,  O diba!! Missionary ang Husband mo sa ganitong edad. OO, may heart ako for Missions, hindi lang ako solid pa, pero dadating ako doon at syempre sana kasama  kita.

Graduate na rin ako sa mga panahon na ito,  A.B Psychology degree holder pa! (hala baka maging patient pa kita no?).

balik tayo sa Missions, mejo malungkot ako ngayon kasi uuwi na ako ng pabalik ng Pilipinas after 4 days. gusto ko pa sana mag stay dito para ma enhance rin ang heart ko.

HANOI-LAOS-THAILAND > yan ang mga pinuntahan ko, at gusto ko bumalik sa mga lugar na to na kasama ka, mag tour tayong dalawa! , syempre kapag pasok lang sa budget natin, feeling ko ang tipid mong tao, or kung hindi naman, okay lang rin HAHA.

Kamusta kaya araw mo ngayon?  kumakain ka ka ba ng 3 times a day?  o baka naman BIRTHDAY mo today! nakoo! happy birthday!! 🙂  Kung nag ttrabaho ka ngayon, hindi ka sana napapagod at nauutusan ng boss mo, (kotongan ko yan!) 😀

Sana ligtas ka ngayon, kung nasaan ka man, yung wala kang sakit, at masamang pakiramdam, sana may nilalabasan ka ng stress mo at may nag ddisciple din sayo.

kung nasa labas ka pa ngayon, nako umuwi kana kasi kawawa naman katawan mo nyan, kailangan mo na mag pahinga. pero kung nasa labas ka ngayon at may problema, sana kasama mo yung tamang tao sa mga oras na to para mapag dasal ka nya.

I really hope na wala ka pang boyfriend until now, pero unfair naman siguro yun ‘no?, kasi ako nagkaroon na ako ng dalawa, hayaan mo ikkwento ko sila sayo pag gusto mo.

sa mga oras na to, nakikinig ako sa dalawang kanta “Minahal Kita by Juliane Tarroja  at Kandila by Sugarfree”,  wala e, mahilig mag senti tong Husband mo, pero wag ka mag alala, di naman ako “emo”, gusto ko lang din madalas mag isip ng mag isip lalu na kapag nakikinig ng mga kanta katulad nito. Ang totoo nyan, may kanta akong nasulat tungkol rin sayo, at sa ating dalawa.. pero saka ko na yun kakantahin! kapag solid na.  isasama ko rin yun sa ibang araw dito.

Kung nag iisip ka rin kung kamusta ang araw ko,  mejo pagod ako ngayon, may mga sudden changes sa plans ng team namin today, tapos bigla pang bumagsak ang malakas na malakas na ulan, pero I took advantage of it, nag laro ako ng time-lapse, at ang korni ng nagawa kong video about it, ito, click mo tong link para mapanuod mo. haha okay lang proud parin ako kahit korni yan, may effort e. Tapos, umuwi kami sa hotel para mag pahinga ng konti, nabasa nga ako ng ulan pero okay lang! pumunta rin kami ng night market kanina para bumili ng mga pang pasalubong, naisip ko nga “high maintenance” kaya ang mapapangasawa ko? pero wag ka mag alala!! kung ganoon ka man, I’d love to sustain you.

Ui! dito nalang muna ako mag end ng sulat! antok na ko, at isasarado na ang bar.

kung natutulog ka na ngayon, i hope na maganda ang tulog mo at wala kang iniisip na worries for tomorrow.

tapos na ang Day 1, pero gusto ko sana tong ipagpatuloy, para patuloy rin ang update mo sa buhay ko kapag binabasa mo na to.

para sa babaeng mamahalin ko ng tapat at totoo, MAGANDANG UMAGA!

 

Nagmamahal,

John Christian Dela Cruz